Holdaper dedo sa shootout

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - - Napatay ang isa sa tatlong notoryus na holdaper na nanloob sa isang hardware matapos makipagbarilin sa mga operatiba ng pulisya sa Barangay Bulanao, Tabuk City, Kalinga kamakalawa. Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. John Colinio, Kalinga PNP director, nakilala ang napatay na si Mark “Big Boy” Bingkas na sinasabing may nakabinbing warrant of arrest sa kasong robbery. Nabatid na nilooban ng tatlong armado ang Malabong Hardware ni Cita Capoyan kung saan nagawang tumangay ng P.1 milyong cash. Gayon pa man, hinabol ng pulisya ang tatlong nakamotorsiklo at inabutan sa Barangay Ipil kung saan naganap ang shootout. Nakatakas naman ang dalawang kasabwat ni Bingkas.

Show comments