Mister tinodas, sinunog

CAVITE, Philippines - - Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang mister matapos pagtulungang gulpihin at sunugin ng dalawang lalaki sa Barangay San Jose, Tagaytay City, Cavite, ayon sa ulat. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Joel Carino habang nasakote naman ang isa sa suspek na si Jason Temblor, 28, construction worker at pinaghahanap naman ang kasabwat nito na si Abnier Erocido. Ayon kay SP01 Roel Paiton, narekober ang sunog na bangkay ng biktima sa liblib na sagingan matapos ipagbigay-alam ng testigong si Carolita Gonzales sa pulisya dahil sa pagbabanta sa kanyang buhay. Nabatid na si Gonzales ay nag-iisang nakasaksi sa krimen noong Oktubre 28 subalit napilitang magsumbong sa pulisya dahil sa banta ng mga suspek.

Show comments