Coed nabangga, kritikal

Cavite, Philippines —Nasa kritikal na kondisyon ngayon ang isang 17-anyos na estud-yante ng Far Eastern University ( FEU) matapos itong masalpok ng isang Honda Civic na kotse habang ang biktima ay tumatawid sa Bypass road, Brgy. San Vi­cente 2, Silang, Cavite kamakalawa ng gabi.

Ang biktimang si Fenelyn Abiera, 2nd year college na kumukuha ng kursong Accountancy Technology sa Far Eastern University at residente ng Brgy. Dasmariñas City, Cavite ay patuloy na  nilalapatan ng lunas sa University Medical Center sa Dasmariñas City sa ti­namong matinding sugat sa katawan.

Arestado naman ang driver ng Honda Civic na kinilalang si Christopher Guinto, 38 anyos, may asa­wa, driver at residente ng Seiz de Junio Ville, Brgy. Sungay, Tagaytay City.

 Sa imbestigasyon ni PO2 Erwin Laureles may hawak ng kaso, alas-6:30 ng gabi habang tumatawid ang biktima sa nasabing highway ng masalpok ito ng paparating na Honda (UCW 768) na minamaneho ng suspek.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa kasong ito.

 

Show comments