‘Drug pusher’ pinabulagta

CEBU CITY , Philippines   â€“ Pinabulagta ang sinasabing drug pusher matapos itong pagbabarilin ng mga di-kilalang lalaki na lulan ng motorsiklo sa bahagi ng Barangay Pulpogan, bayan ng Consolacion, Cebu kamakalawa. Naisugod pa sa Eversley Hospital sa Barangay Jagobiao, Mandaue City subalit idineklarang patay ang biktimang si Carlo Guinaldo ng Barangay Lumbang. Base sa police report, nakatayo at may hinihintay ang biktima  nang lapitan at ratratin ng motorcycle-riding gunmen. Sa tala ng pulisya, si Guinaldo ay may nakabinbing kaso sa korte kaugnay sa ipinagbabawal na droga.

 

Show comments