Driver dinedo ng nakagitgitan

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   - Bulagta ang isang driver ng aircon bus matapos itong barilin ng isang moto­ristang nakagitgitan niya sa kahabaan ng national highway sa Barangay Carmen, bayan ng Rosales, Pangasinan kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang napaslang na si Joseph Villacorta ng Barangay Camantilis, bayan ng Urdaneta habang pormal naman kakasuhan ang suspek na si Frederick dela Cruz. Dahil sa insidente ay lumikha ng matinding trapik sa kung saan nakabulagta sa gitna ng highway ng driver ng Solid North Bus Liner. Nadakip naman ang suspek sa follow-up operation ng pulisya.

 

Show comments