Balut vendor, nag-suicide

CAMARINES NORTE â€” Dala ng matinding ka­hirapan, nag-suicide ang isang vendor ng balut matapos itong magbigti sa loob ng kanilang tahanan sa Purok 6, Sitio Paraiso, Brgy. Bagasbas, Daet, Camarines Norte kamakalawa ng gabi.

Sa ulat na nakarating kay Supt.  Paul Abay,  hepe ng pulisya,  kinilala ang biktima na si Ernesto “Totoy” del Valle, 34-anyos, binata ng nasabing lugar.

 Batay sa imbestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-9 ng umaga ng ma-diskubre ng kapitbahay na si Raul Sumpay ang biktima na nakabitin sa loob ng bahay nito gamit ang nylon cord. Sa salaysay ng nakababatang kapatid ng biktima na  si Erlinda Capis­trano residente sa  bayan ng Labo,  bago ang pagpapatiwakal ng biktima ay palagi itong tulala at madalas ding maikuwento na suko na sa hirap ng buhay.

Wala naman nakikitang may anggulong foul play sa nasabing pangyayari.

Show comments