6 anyos utas sa SUV

CAMARINES NORTE, Philippines â€”Maagang ki­narit ni kamatayan ang 6-anyos na batang lalaki matapos itong masaga-saan ng isang rumaragasang Sports Utility Vehicle (SUV) sa highway ng Brgy. Tigbinan, Labo, Camarines Norte kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Chief Inspector Rhoderick Campo, ang biktima na si Jethro Bernal, dead-on-arrival sa Rosary Virgin Hospital sa bayan ng Sta. Elena sanhi ng grabeng sugat na tinamo sa katawan.

 Bandang alas-3 ng hapon habang papatawid ang biktima sa kalsada ng mahagip ito ng SUV (XGG 300 ) na minama­ne­ho ni Julienne Dayaon, 32-anyos at nakarehistro sa Phar­mahex Inc . na may address sa E. Rodriguez Avenue, Bagong Ilog, Pasig City.

Boluntaryo namang su­muko ang suspek na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.

 

Show comments