Barangay kagawad nilikida

CAVITE, Philippines - – Napatay ang 50-anyos na barangay kagawad matapos itong ratratin ng kanyang nakaalitan sa slaughter house sa Barangay Burol Main, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng gabi. Anim na tama ng bala ng cal. 45 pistol  ang tumapos sa buhay ni Gregorio Tibayan na tumatayong civilian guard sa Aisa Nora hog dealer slaughter house. Pinaghahanap naman ang suspek na si Andrew “Toto” Mendoza ng Barangay Datu Esmael sa nasabing lungsod. Ayon kay PO3 George Fajardo, naka-duty ang biktima sa slaughter hosue nang lapitan at ratratin ng suspek. Narekober sa crime scene ang anim na basyo ng bala ng cal. 45 pistol.

Show comments