4 Army inararo ng kotse, grabe

BULACAN, Philippines - - Apat na sundalo ng Philippine Army ang malubhang nasugatan matapos na suyurin ng kotse habang nadya-jogging  sa kahabaan ng highway sa Barangay Tartaro, bayan ng San Miguel, Bulacan kahapon ng madaling araw.

Naisugod naman sa San Miguel District Hospital ang biktimang sina 2Lt. Ariel Lacasandile, PFC Michael Dadia, PFC Jerry Casabar, at si PFC Jan Edcel Pacheco, mga trainee ng First Scout Ranger sa Barangay Tartaro sa nasabing bayan.

Naaresto naman ng pulisya ang suspek na si Rodolfo Monforte, 42, ng Sapang Palay sa San Jose Del Monte City, Bulacan.

Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Fitz Macariola,  magkakasamang  nag-early morning jogging ang mga biktima kasama ang iba pang miyembro ng Phil. Army nang araruhin ng kotse (TCG732) ni Monforte pagsapit sa madilim na bahagi ng kalsada.

Nawasak naman ang mga Armalite rifle na bitbit ng mga biktima matapos tumilapon sa may ilang metro ang layo.

Show comments