Negosyanteng misis, nag-suicide

CAVITE, Philippines – May posibilidad na dumanas ng matinding depresyon ang 57-anyos na negosyanteng misis kaya nagbaril ito sa sarili at namatay sa loob ng kanilang bahay kamakalawa ng madaling araw sa Barangay Molino 3, Bacoor City, Cavite. Napuruhan sa kaliwang sintido ang biktimang si Blanchit Kruhse ng Central Park Camella Homes Springville sa nasabing barangay. Ayon kay PO3 Michael Legaspi, nanonood ng fireworks sa labas ang anak na si Julie Anne nang makarinig ito ng malakas na putok na nagmula sa loob ng kanilang bahay. Mabilis na tinungo ni Anne ang bahay kung saan bumungad ang ina na nakahandusay sa sahig na umaagos ang dugo mula sa ulo. Narekober ng pulisya ang cal. 22 revolver na may walong bala at isang basyo habang patuloy ang pagsisiyasat. 

Show comments