MANILA, Philippines - Halos nawakwak ang mukÂha at ulo ng 24-anyos na lalaki matapos masabugan ng improvised na paputok sa Barangay Lamot 2, bayan ng Calauan, Laguna sa unang araw ng 2014.
Sa ulat ni P/Senior Supt. Pascual Muñoz na isinuÂmite sa Camp Crame, kiÂniÂlala ang biktima na si Raymond Amante ng Sitio Hardinan kung saan nabiÂgong maisalba ang buhay sa PPL Bay Hospital.
Nabatid na naisipan ng biktima at utol nitong lalaki na paputukin ang natitira pa nilang bombshell (boga) na sinasabing gawa sa PVC pipe.
Ang boga ay isa sa ipinagÂbabawal na paputok ng PNP at maging ng Department of Health dahil lubha itong mapanganib gamitin kung saan posibleng ikabulag o ikaputol ng kamay ng sinumang ma-sasabugan nito.
Gayon pa man, habang pinapuputok ang boga ay hindi kaagad ito sumabog kaya sinilip ng biktima ang dulo ng paputok.
Eksakto namang suÂmaÂbog na sumapul sa mukÂha at ulo ng biktima na baÂgaman naisugod pa sa pagamutan ay namatay din ito.