NORTH COTABATO, Philippines – Umaabot sa P5 milyong halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy matapos masunog ang tatlong bahay sa bayan ng Matalam, North Cotabato kahapon ng madaling araw. Sa ulat ni F/Insp. Marleap Nabor ng Bureau of Fire Protection, naganap ang sunog sa bisinidad ng Graciano Lopez Jaena Street sa Barangay Poblacion. Nilamon ng apoy ang tatlong residential hou-ses na pag-aari nina Liza Delgado Saturre, Emily Alejandro at Rommel Buena. Wala namang naiulat na nasugatan sa nasabing sunog kung saan naapula naman bandang alas-4:50 na ng madaling araw.