CEBU CITY , Philippines – Kakaiba ang modus operandi ng 11-anyos na lalaki na tiyempuhang tulog ang isang security guard bago ninakaw ang nakasilid sa bag na service revolver noong Biyernes ng madaling araw sa Barangay Tipolo, Mandaue City, Cebu. Dumulog naman sa himpilan ng pulisya ang security guard na si Christopher Aliermo, 31, matapos tangayin ang kanyang cal.38 cal. na nakalagay sa bag. Sa tulong ng CCTV camera ay nakilala ang suspek kaya tinungo ang bahay nito at nasamsam ang nasabing baril. Dinala ng pulisya ang suspek para isailalim sa custody ng City Social Welfare Services.