^

Probinsiya

Obrero dedo sa suntok ng pinsan

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines - – Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang obrero matapos na makipagsuntukan sa kanyang sariling pinsan sa Purok 1, Brgy. Bocohan ng lungsod na ito, kama­kalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Daryl Endonila, 26,  samantalang naaresto naman ang suspek na pinsan nitong si Dennis Villegas, 27, kapwa mga nakatira sa nabanggit na barangay. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-9:30 ng gabi ay magkasamang nag-iinuman ang mag-pinsan at nang kapwa malasing ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo na humantong sa suntukan. Habang nagpapambuno umano ang dalawa ay kapwa sila nahulog sa mabatong tabing ilog na ang ulo ng biktima ay tumama sa bato na naging sanhi upang ito ay panandaliang mawalan ng ulirat. Sinundan pa ito ng suntok sa ulo ng suspek hanggang sa tuluyang magkikisay. Hinihinala ng sumuring doktor na internal hemmorage ang ikinamatay ng biktima.

vuukle comment

AYON

BOCOHAN

BRGY

DARYL ENDONILA

DENNIS VILLEGAS

HABANG

HINIHINALA

KINILALA

PUROK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with