P.13-M nilimas sa gasolinahan

NUEVA ECIJA , Philippines   â€“ Aabot sa P.13-milyong cash ang natangay ng mga armadong kalalakihan matapos pasukin ang gasolinahan na pag-aari ng  municipal vice mayor sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay San Miguel na Munti, bayan ng Talavera, Nueva Ecija kamakalawa ng hapon. Sa police report, nadiskubre ang insidente ng 26-anyos na katiwala ng Fuel Center Gasoline Station na si Romulo Damian Jr. kaya kaagad na nag-report sa pulisya. Napag-alaman na dumaan umano ang mga kawatan sa backdoor ng opisina ng gasolinahan na hindi nakakandado.

 

Show comments