^

Probinsiya

Amasonang killer ng 8 pulis sumuko

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines - — Sumuko na kamakalawa sa pulisya ang 21 anyos na amasonang miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army na isa sa responsable sa pamamaslang sa walong police commandos sa madugong ambush sa Brgy. Ca­taratan, Allacapan, Cagayan noong Mayo 2013.

 Kinilala ni Sr. Supt. Frank­lin Moises Mabanag, Chief ng Regional Directorial Staff ng Cagayan Valley Police, ang sumuko na si Marites Alicuman. Ang amasona ay sinamahan ni Allacapan Mayor Leonalia Onia at iba pang lokal na opisyal sa pagsurender sa mga awtoridad.

Ayon kay Mabanag, pinag aaralan na ang posibilidad na maging state witness si Alicuman laban sa kanyang mga dating kasamahan na pinamumunuan ng isang Kumander Lolito Rasa.

Ang mga nabanggit na NPA ambushers ay sinampahan ng pulisya ng kasong paglabag sa Republic Act 9372 o ang Anti-Terrorism Act of 2007.

ALLACAPAN MAYOR LEONALIA ONIA

ANTI-TERRORISM ACT

CAGAYAN VALLEY POLICE

KUMANDER LOLITO RASA

MARITES ALICUMAN

MOISES MABANAG

NEW PEOPLE

REGIONAL DIRECTORIAL STAFF

REPUBLIC ACT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with