Tauhan ng Bureau of Fire, huli sa drug bust

BULACAN , Philippines   - Kalaboso ang babaeng tauhan ng Bureau of Fire And Protection matapos ang isinagawang drug bust operation sa Brgy. San Vicente, Malolos City, Bulacan kahapon.

Kaagad na sinampahan ng kaukulang kaso ang suspek na kinilalang si FO1 Abigail Paulino, 33, nakatalaga sa National Capital Region- District 2 at residente ng Alido Heights Subd., Brgy. Bulihan sa siyudad na ito.

Base sa ulat, dakong alas- 4:30 ng hapon ay isang impormante ang nag-ulat hinggil sa nagaganap na bentahan ng shabu sa bahagi ng San Vicente, Malolos City na naging dahilan upang isagawa ang drug bust operation. Habang kinukuha ng suspect ang marked money sa poseur buyer na pulis ay dito na inaresto ang una na nagresulta sa pagkakasamsam ng ilang gramo ng shabu habang narekober din ang perang ginamit sa operasyon. 

 

Show comments