Mister inutas ng bayaw sa inuman

NORTH COTABATO, Philippines - - Maagang sinalubong ni kamatayan ang 21-anyos na lalaki makaraang saksakin ng kanyang bayaw na nakikipag-inuman sa Purok 5, Barangay Bual, bayan ng Tulunan, North Cotabato kahapon ng madaling-araw. Kinilala ni P/Senior Inspector Ronnie Cordero, hepe ng Tulunan PNP ang biktima na si Rogen Yankee Sabado habang sumuko naman kay Chairman April Palomo ang suspek na si Mario Abonado. Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, nagkaroon ng di-pagkakaunawaan ang magbayaw habang nag-iinuman. Matapos ang inuman ay nagtungo si Abonado sa kusina at kumuha ng kutsilyo saka sinaksak ang biktima na nakadapang natutulog sa katabing silid.

Show comments