Magsasaka dinedo dahil sa droga

NORTH COTABATO , Philippines   â€“ May posibilidad na onsehan sa bentahan ng bawal na droga ang isa sa motibo kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang magsasaka ng di-kilalang lalaki sa bisinidad na tinaguriang drug haven sa Purok Krislam, bayan ng Kabacan, North Cotabato kahapon. Kinilala ni P/Chief Insp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang panibagong biktima ng pamamaril na si Hezron Sabaoa ng Barangay Bannawag sa nasabing bayan. Narekober sa crime scene ang 5-basyo ng cal.45 pistol at 1-piraso ng aluminum foil na pinaniniwalaang nag­lalaman ng shabu.

Show comments