Tiktik ng PNP dedo sa ambush

MANILA, Philippines - Napatay ang 36-anyos na misis na sinasabing tiktik ng pulisya matapos itong pagbabarilin ng di-kilalang lalaki sa madilim na bahagi ng Barangay Purisima, bayan ng Tago, Surigao del Sur kamakalawa ng gabi. Base sa report ng Surigao del Sur PNP na nakarating sa Camp Crame, naglalakad ang biktimang Lordalyn Uriarte malapit sa tindahan nang harangin at ratratin bandang alas-7 ng gabi. Naisugod pa sa Adela Serra Ty Memorial and Medical Center sa Tandag City  subalit hindi na umabot ng buhay ang biktima matapos itong mapuruhan sa panga ng dalawang bala ng cal. 45.pistol.

 

Show comments