Mag-ama, 2 pa dedo sa ambush

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   â€“ Kamatayan ang sumalubong sa mag-amang trader at dalawa nitong tauhan matapos ratratin ng mga armadong kalalakihan sa madilim na bahagi ng highway sa Barangay Sta. Cruz B, bayan ng Badoc, Ilocos Norte noong Sabado ng gabi.

Kinilala ni P/Senior Insp. Leo Tolentino, hepe ng Badoc PNP ang mag-ama na sina Benny Rosete, Ha­yamel Rosete, 11; mga tauhang sina Jerry Guzman at William Acoba.

Samantala, nasa kritikal na kalagayan ang pamang­kin nitong si Mark John Rosete, 19.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na lulan ng traysikel ang mga biktima at isang motorsiklo naman ang lulan ng kanyang mga tauhan nang pagbabarilin pagsapit sa madilim na bahagi ng nasabing highway.

Nabatid na ang mga biktima ay nagmula sa tindahan at restaurant na pag-aari ng ni Benny nang makasalubong si kamatayan dakong alas-9 ng gabi.

Narekober sa crime scene ang 13-basyo ng M16 Armalite rifle habang patuloy naman ang imbestigasyon. Dagdag ulat ni Ricky Tulipat

 

Show comments