Lalaki grinipuhan sa frat war

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines - – Napatay ang 21-anyos na lalaki matapos pagtulungang saksakin ng ilang kalalakihan na sinasabing miyembro ng fraternity sa bahagi ng Purok 2, Barangay Sabang, bayan ng Baler, Aurora Kamakalawa. Tinadtad ng saksak ang biktimang si Nino Lapira ng Barangay Bangko, bayan ng Maria Aurora, Aurora. Base sa police report, naglalakad ang biktima kasama ang dalawang kaibigan sa beach resort nang harangin at hamunin ng away ng grupo ng  kalalakihan. Kaagad na lumisan ang dalawang kaibigan ng biktima upang tumawag ng tulong sa iba pang kasamahan subalit nang bumalik ay nakita na lamang ang biktima na tadtad ng saksak sa katawan. Pinaniniwalaang may kinalaman ang fraternity war sa nasabing barangay.

Show comments