Engineer sinaksak sa party

MANILA, Philippines - Nauwi sa trahedya ang pagdalo sa birthday party  ng 50-anyos na municipal engineer matapos itong pagsasaksakin ng isang senglot na mister kamakalawa ng hapon sa Barangay General Luna sa bayan ng Siniloan, Laguna. Kinilala ni Laguna Provincial Police Director P/Senior Supt. Pascual Muñoz Jr. ang biktima na si Ronilo Mendiola habang arestado naman ang suspek na si Melvin Castillo, 39, ng Barangay Makatad sa nasabing bayan. Bandang alas-5 ng hapon ng maganap ang insidente sa birthday party ng kaibigan ni Mendiola. Ayon sa imbestigasyon kasama ng biktima ang kaibigan nitong si Arnold Sison para makipag-party nang biglang dumating ang suspek at saksakin ng dalawang beses sa katawan ang biktima.

Show comments