Misis ginulpi ng lover

MANILA, Philippines - Ginawang punching bag ang 44-anyos na misis matapos gulpihin ng kanyang lover sa Barangay Lumayang, Zamboanga City, Zamboanga del Sur kamakalawa. Halos hindi makagulapay nang dumulog sa himpilan ng pulisya ang biktimang si Vilma Galiz  habang arestado naman  ang suspek na si Joey Francisco, 33. Sa imbestigasyon, naganap ang insidente sa loob ng bahay ng magka-live-in bandang alas-8:30 ng gabi. Nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang magka-live-in dahil sa matinding selos ng lalaki sa babae na sinasabing may ilang karelasyon kung saan itinanggi naman ni Galiz. Napikon naman ang suspek sa tinuran ng babae hanggang sa maganap ang insidente.

 

Show comments