Trike vs bus: 3 kritikal x

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   â€“ Tatlo-katao ang malubhang nasugatan matapos salpukin ng pampasaherong bus ang likurang bahagi ng traysikel sa kahabaan ng highway sa Barangay Tarinsing, bayan ng Cordon, Isabela kamakalawa.
 Kasalukuyang ginagamot sa ospital sa Santiago City ang mga biktimang sina Jeffrey Gauiran, 30, driver ng trike; Marie Rose Barit, 17; at Rodel Villanueva, 16, pawang nakatira sa Barangay San Juan sa nasabing bayan.
 Boluntaryong sumuko sa pulisya ang drayber ng bus na si Carolino Takal, 56, ng San Pablo, Isabela.
 Base sa police report, tinangkang mag-overtake ng bus sa sinusundang traysikel ng mga biktima nang maganap ang sakuna.

 

Show comments