BULACAN , Philippines – PinaÂbulagta ang 36-anyos na negosÂyante matapos itong ratratin ng di-kilalang lalaki sa harapan ng grocery kamakalawa ng hapon sa Brgy. Poblacion, bayan ng Bocaue, Bulacan.
Dalawang bala ng cal. 45 pistol ang tumapos sa buhay ni Jonnel De Jesus ng Maricel Apartment sa Brgy. Antipona sa nasabing bayan.
Ayon kay SPO1 Ferdinand Cabuhat, hinihintay ng biktimang lulan ng motorsiklo ang kanyang mag-ina sa harap ng grocery nang lapitan at pagbabarilin ng di-kilalang lalaki saka tumakas lulan ng Mitsubishi Adventure na may plakang XLC 516.
Naisugod pa sa Dr. Yanga’s Hospital ang biktima subalit idineklarang patay habang patuloy naman ang imbestigasyon.