3 bulagta sa tandem

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang napagtripang pagbabarilin hanggang sa mapatay ang tatlong sibilyan ng riding-in-tandem gunmen sa gilid ng kalsada sa Barangay Baluan, General Santos City, South Cotabato noong Biyernes ng gabi. Kinilala ng pulisya ang mga bumulagtang biktima na sina Ronel Sarsalejo, Emmanuel Pajardo, at  si Edwin Laranio na pawang nakatira sa bayan ng Alabel, Sarangani. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, magkakasamang kumakain ng balut ang mga biktima nang lapitan at ratratin ng tandem. Napuruhan sa ulo ang mga biktima habang tumakas naman ang gunmen.

 

Show comments