BULACAN, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng dalawang babae matapos arestuhin ng mga operatiba ng pulisya sa inilatag na buy-bust operation sa Barangay Banga 2nd, bayan ng Plaridel, Bulacan kamakalawa ng gabi. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Rheinelyn Reyes, 25; at Melody Gurobat, 22, kapwa nakatira sa nasabing bayan. Nasamsam sa mga suspek ang 37-plastic sachets ng shabu na nagkakahalaga ng P.2 milyon, mark money na ginamit sa operasyon at tatlong cell phone.