^

Probinsiya

Mag-utol nagpatayan sa alak

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Napatay ang 48-anyos na kuya ng kanyang utol matapos nitong paluin sa ulo dahil sa alitan sa pagbili ng alak sa Barangay Asinga-via, bayan ng Baggao, Cagayan kamakalawa. Kinilala ni PO2 Leo Pascua ang biktima na si Romeo Natividad habang nasakote naman ang suspek na Rodolfo Natividad, 42, kapwa nakatira sa nasabing barangay. Lumalabas sa imbestigasyon na nagtalo ang mag-utol na kapwa senglot kaugnay sa pambili ng bigas para sa hapunan na nauwi sa pamimili ng alak.Tinangkang pugutan ng biktima ang suspek subalit sa sobrang kalasingan naudlot kung saan siya ang pinagpapalo sa ulo hanggang sa mapatay. Nabatid na una na rin pinagtataga ng biktima ang utol nito noong Nobyembre subalit nakaligtas nang maisugod agad sa ospital.

 

BAGGAO

BARANGAY ASINGA

KINILALA

LEO PASCUA

LUMALABAS

NABATID

NAPATAY

NATIVIDAD

NOBYEMBRE

ROMEO NATIVIDAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with