2 tiklo sa 500 kilong ‘hot meat’

BULACAN, Philippines -— Kalaboso ang binagsakan ng dalawang sibilyan matapos madakma ng mga operatiba ng pulisya sa aktong  bentahan ng 500 kilong expired na produktong hotdog sa pamilihang bayan sa Barangay Dakila, Malolos City, Bulacan kahapon ng madaling-araw. Kaagad na sinampahan ng kaukulang kaso ang mga suspek na sina Mary Ann Buleño, 36, ng Kampupot St., Brgy. Dakila, Malolos City; at Crisanto Villafuerte, 51, ng Brgy. Sto. Niño sa bayan ng Plaridel, Bulacan. Sa ulat na nakarating kay P/Chief Insp. Sabino Vengco III,  naaresto ang mga suspek sa L300 van (UOR 165) kung saan nasamsam ang limang sako ng hotdog na expired. Walang maipakitang kaukulang papeles ang mga suspek kaya kinumpiska ang sinasabing expired hotdog.

Show comments