Sekyu todas sa akyat-bahay

CAVITE, Philippines -— Napatay ang isang security guard matapos itong pagbabarilin ng mga miyembro ng Akyat-Bahay Gang na nanloob sa clubhouse ng subdivision  sa Barangay Pasong Camachile, bayan ng General Trias, Cavite kamakalawa. Natagpuan sa storage room ang bangkay ni Jonnel Balein, security guard sa ilalim ng Blue Onix Security Agency, Inc. Ayon kay P02 Christian Nel Cuevas, huling namataang buhay ang biktima na naglalakad sa paligid ng clubhouse kung saan nadiskubre ng kanyang karelyebo na wasak  ang bintanang bakal ng nasabing establisimyento at nawawala na ang P.3 milyong cash at service firearm ng biktima.

Show comments