^

Probinsiya

Magsasaka nilikida ng NPA

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - – Brutal na pinatay ng mga rebeldeng New People’s Army ang 37-anyos na magsasakang sinasabing kilabot sa kanilang bulubunduking lugar matapos itong tadtarin ng bala sa katawan at pinagtataga sa mukha kamakalawa sa Barangay Minuri, bayan ng Jones, Isabela.

Kinilala ni P/Chief Insp. Ruben Agcaoili, hepe ng Jones PNP, ang biktima na si Erwin Galasinao na sinasabing miyembro ng armadong fraternity sa nasabing barangay.

Ayon kay Agcaoili, aminado ang ilang kaanak ng biktima na nasasangkot ito sa serye ng kaguluhan sa kanilang barangay tulad ng pagpapaputok nito ng kanyang cal. 45 pistola sa tuwing nalalasing.

Gayon paman, papauwi ang biktimang nagmomotorsiklo nang tambangan ng mga armadong lalaki na sinasabing rebelde kung saan pinagpistahang barilin at katayin upang ma­sigurong ito ay patay na, ayon pa kay Agcaoili.

Pinaniniwalaang sinentensiyahan ang biktima ng mga rebelde sa kanilang lugar na nagtatago sa kabundukan kung saan nawawala ang baril nito nang matagpuan ang kanyang gutay na katawan.

vuukle comment

AGCAOILI

AYON

BARANGAY MINURI

CHIEF INSP

ERWIN GALASINAO

GAYON

ISABELA

NEW PEOPLE

RUBEN AGCAOILI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with