Bus vs trak: 1 patay, 17 sugatan

MALOLOS CITY, Bulacan , Philippines  â€”Isa ang namatay habang 17 iba pa ang nasugatan matapos magsalpukan ang pampasaherong bus at dumptruck sa kahabaan ng viaduct ng North Luzon Expressway (NLEX)  sa bayan ng Pulilan, Bulacan kahapon ng umaga. Ayon kay Benigno Valles, corporate communications manager ng Tollways Management Corporation (TMC), sinalpok ng Phil. Rabbit Bus Liner (CGJ 790) na patungong Maynila mula sa  Angeles City, Pampanga ang dumptruck sa bahagi ng kilometer 47 sa kahabaan ng viaduct bandang alas-10:30 ng umaga. Sa lakas ng pagkakabangga, nahulog ang dumptruck sa viaduct at may ilang biktima na tumilapon sa bukid. Nagdulot ng pagsisikip ng daloy ng trapiko sa southbound lane ng viaduct habang bineberipika pa ang pagkakakilanlan ng mga biktima.

Show comments