Trader tumba sa tandem

NORTH COTABATO , Philippines   - Bumulagta ang 56-anyos na negosyante makaraang ratratin ng riding-in-tandem gunmen sa bahagi ng Cotabato-Davao Highway sa bayan ng Matalam, North Cotabato kahapon ng umaga. Kinilala ng Matalam PNP ang biktima na si Ted Cespon, nakatira sa bayan ng President Roxas sa nasabing lalawigan. Sa inisyal na pagsisiyasat, nabatid na sinundan si Cespon ng mga suspek habang sakay ng multicab mula sa Kilometer 114 sa Barangay Paco, Kidapawan City. Pagbaba sa multicab ay pinagbabaril ito kung saan napuruhan sa ulo at dibdib.

 

Show comments