Negosyanteng Tsino itinumba

BULACAN , Philippines   â€“ Napaslang ang 35-anyos na negosynte  Tsino makaraang ratratin ng di-kilalang lalaki sa sa Barangay San Martin, bayan ng San Jose Del Monte, Bulacan kahapon ng umaga. Apat na bala ang cal. 45 pistol ang tumapos sa buhay ni Sky Lee y Chua ng Arty Subdivision sa Barangay Karuhatan,Valenzuela City at may-ari ng SRK ready-to-wear shop sa nabanggit na bayan. Sa ulat ni PO2 Mark Democrito, nakaupo ang biktima sa loob ng dress shop nang lapitan at pagbabarilin ng gunman. Naisugod pa sa Sapang Palay District Hospital ang biktima subalit idineklara itong patay habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments