Van swak sa bangin

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   - Isa ang patay habang 15 iba pa ang malubhang sugatan matapos maluhog ang pampasaherong van sa may 50 metrong lalim na bangin sa Barangay Calasipan, bayan ng Atok, Benguet noong Sabado ng umaga. Kinilala ang namatay na si Bernabe Ngipol Lablabong ng Nagtipunan, Quirino Province habang sugatan naman sina Jimmy Babanga, driver ng van; SPO3 Rolex Sabyat, Elena Salipen, Tito Ingosan, Marrieta Pagnas, Tino Ngosi, Victoria Licuasen, Bernaditte Dinisia, Jake Bantasan, Melvin Danilo, Ben Bayas, Rochel Bacte, Charlene Calabson, at ang sanggol na si Dona Jane Denesia. Lumalabas sa imbestigasyon na nawalan ng kontrol ang driber sa van (YG645) kaya nagtuluy-tuloy sa malalim na bangin sa Km 58 sa nabanggit na bayan.

Show comments