Pulis-Baliwag itinumba

BULACAN, Philippines - – Napaslang ang 45-anyos na pulis-Baliwag matapos itong pagbabarilin ng motorcylcle-riding gunmen sa kahabaan ng highway sa Barangay Bagong Nayon, bayan ng Baliwag, Bulacan kahapon ng umaga.

Naisugod pa sa Sagrada General Hospital subalit namatay din ang biktimang si SPO1 Enrico Lajom, nakatalaga sa intelligence and warrant section sa nasabing bayan at nakatira sa Barangay Caingin sa San Rafael.

Nabatid na patungong himpilan ng Baliwag PNP ang biktimang lulan ng Toyota Corolla (WLL-664) nang sundan at ratratin ng gunmen pagsapit sa nasabing lugar.

Bago maganap ang pananambang ay hinatid ng biktima ang kanyang asawa at anak sa pinapasukang kompanya kung saan patungo na sana presinto ay nakasalubong si kamatayan.

Narekober sa crime scene ang ilang basyo ng bala ang cal. 45 pistol habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments