Aussie sinaksak ng syota, kritikal

MANILA, Philippines - Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang 75-anyos na Australyano matapos itong pagsasaksakin ng kanyang nobya sa condominium sa Barangay Guadalupe, Cebu City, Cebu noong Martes ng gabi.

Tadtad ng mga saksak sa likod, hita at kanang kamay ang biktimang si John Townsend na naisugod sa Cebu Doctors Hospital matapos matagpuan nakadiskubre ni Rolando Marquez, safety and security manager ng Wood Crest Residence Condominium sa Modesta Street.

Sa inisyal na ulat na nakarating sa Camp Crame, ang girlfriend ng biktima na si Bonesa Dabalos, 19, ang sinasabing nasa likod ng pananaksak.

Nabatid na nasa CCTV ng Wood Crest Residence si Dabalos na pumasok noong Martes ng gabi kung saan nagmamadaling lumabas bandang alas-5 ng umaga kahapon sa nasabing unit ng biktima.

Gayon pa man, isang te­nant ng condominium ang lumapit kay Marquez matapos na makatanggap ng text message mula sa hindi nagpakilalang sender na nagsabing tingnan ang kalagayan ni Townsend.

Show comments