Ama pinatay sa harap ng mag-iina

MANILA, Philippines - Binaril ng malapitan at napaslang sa harap ng kaniyang misis at dalawang anak ang 45-anyos na mister na katiwala sa malawak na palayan sa naganap na karahasan sa bayan ng Mahayag, Zamboanga del Sur kamaka­lawa ng gabi.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa dibdib at likurang bahagi ng katawan ang biktimang si Ronald Daraydo, rice field caretaker at nakatira sa Purok 6, Barangay Daniel Mantos sa nasabing bayan.

Sa police report na nakarating sa Camp Crame, naitala ang krimen dakong alas-8:30 ng gabi.

Nabatid na pauwi na ang biktima kasama ang kanyang misis na si Betty Daraydo at dalawang anak sa may palayan nang mag-flashflight sa mukha ng mister ang mga armadong lalaki.

“Magandang gabi, magpapatubig kami sa sakahan,” sabi pa ng mga armadong lalaki bago pinagbabaril ang biktima.

Mabilis namang tumakas ang gunmen at hindi sinaktan ang misis at mga anak ng biktima.

 

Show comments