Barangay captain itinumba
CAVITE, Philippines -- Isa na namang barangay chairman ang iniÂulat na napatay ng motorcycle-riding gunmen sa naganap na pananambang sa Barangay Toclong, bayan ng Kawit, Cavite kahapon ng umaga. Napuruhan sa mukha ang biktimang si Chairman Danilo Monton, 63, ng Barangay Bacao 2 sa bayan ng General Trias, Cavite. Sa ulat ni PO3 Daprosa, nagmamaneho ng owner-type jeep (DMN-699) ang biktima nang sundan at ratratin ng tandem pagsapit sa nasabing lugar. Narekober sa crime scene ang tatlong basyo ng bala ng cal. 45 pistol habang patuloy naman ang pagsisiyasat.
- Latest