Municipal officer itinumba sa simbahan

BULACAN , Philippines– Pinabulagta ang 59-anyos na municipal budget officer matapos itong pagbabarilin ng di-kilalang lalaki sa pintuan ng simbahan sa Barangay Poblacion, bayan ng Norzagaray, Bulacan kahapon ng umaga. Apat na tama ng bala ng cal. 45 pistol ang tumapos sa buhay ni Yolanda Ervas, naka-assign sa Norzagaray municipality at nakatira sa Calumpang Street sa nabanggit na barangay. Sa inisyal na pagsisiyasat ni PO2 Dennis Silo, pababa ang biktima sa sinakyang Mitsubishi Adventure (YCE-777) kung saan ang driver ay ang kanyang mister na si Ireneo. Ilang hakbang pa lamang bago pumasok sa simbahan nang lapitan at ratratin ng di-kilalang lalaki.

 

Show comments