BATANGAS, Philippines - – Mahigpit ang bilin ni Batangas GoÂvernor Vilma Santos-Recto sa kanyang mga tauhan na iwasang maglagay ng kanyang litrato o pangalan ng sinumang pulitiko sa mga ipamimigay na relief goods sa mga biktima ng bagyong Yolanda sa Leyte at Samar.
“My first instruction to my staff was not to put my photo or names of politicians on the goods, but instead, they can mark it – (relief goods) from the people of Batangas,†ani Gov Vi.
Ang babala ng opisyal ay reaksyon na rin sa mga pagbatikos ng publiko sa mga napabalitang pamimigay ng mga kilalang pulitiko sa mga biktima ng bagyo na may mga litrato at pangalan sa mga relief goods.
Ipinag-utos din ng gobernador na huwag tatanggap ng mga relief goods mula sa pulitiko na may mga epal stickers.
Noong Martes, nagpulong ang mga miyembro ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC), mga department heads ng kapitolyo kung saan nagkasundo na pagsamasamahin ang mga resources para makapangalap ng pondo para sa mga binagyo.
Si Provincial Liason Officer Lianda Bolilia ang naatasang mangasiwa sa paged-deliver ng relief goods sa Leyte at Samar sa Disyembre.
“Our target date in the distribution of goods will be on the 2nd week of December para naman ma-feel ng mga taga Tacloban at Samar ang spirit of Christmas kahit papaano,†ani Bolilia.
“We discourage our donors in giving food items and used clothes kasi marami na ang mga nagbibigay ng mga ‘yon,†dagdag ni Bolilia
Para sa mga may nais mag-donate ng cash o cheke, maaari nilang ideposito sa account name ng “Batangueño Kaisa Ninyo†– Alay Lakad Foundation, Inc.- Batangas Province Chapter sa Philippine National Bank (PNB), Kumintang Ilaya, Batangas City Branch sa account number 1830-04736-6.