Magpinsan dedo sa killer trak

BULACAN, Philippines - – Magkasabay na sinalubong ni kamatayan ang  magpinsang lalaki matapos salpukin ng trak ang kanilang motorsiklo sa kahabaan Cagayan Valley Road sa Barangay Sta. Rita, Guiguinto, Bulacan kahapon ng madaling-araw. Kinilala ang dalawa na sina Joven Banda, 29; at Allan Salvador 33, kapwa nakatira sa Barangay Cupang, Pandi, Bulacan. Samantala, sumuko naman sa pulisya ang drayber na si Crispin Robles, 47, ng Brgy. Baluluc, bayan ng Apalit, Pampanga. Sa ulat ni PO2 Erwin Mac Melan, papauwi na ang magpinsan mula sa birthday ng kanilang tiyuhin sa bayan ng Baliwag nang mahagip ng 10-wheeler truck (WHG-463) na kargado ng 120 sako ng palay.

Show comments