TUGUEGARAO CITY, Philippines- Dalawang sundalo at apat na miyembro ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang nasugatan sa engkuwentro sa bulubunduking bahagi ng Brgy. Cadsalan, San Mariano, Isabela kamakalawa.
Ito’y sa kabila ng pagÂdedeklara ng unilateral ceasefire ng Communist Party of the Philippines matapos isailalim sa ‘national calamity’ ang bansa bunga ng hagupit ng bagyong Yolanda partikulara sa Visayas Region.
Ayon kay Isabela Police Director Sr. Supt. Sotero Ramos Jr. agad na ikinordon ang pulisya sa paligid ng mga bayang lalabasan ng mga nagsi-atrasang rebelde sa gilid ng Sierra Madre matapos makasagupa ang dalawang platoon ng Army’s 54th Infantry Battalion na nagsagawa ng combat operation sa kabundukan. Patuloy ang pagtugis sa nagsitakas na mga rebelde.