4 mediamen patay, 6 pa nawawala
MANILA, Philippines - Apat na mediamen ang kabilang sa mga namatay habang anim pa ang nawawala sa delubyo ng bagyong Yolanda na humagupit sa Visayas Region, ayon sa ulat kahapon.
Ito ang kinumpirma kahapon base sa natanggap na impormasyon na nakalap ng National Union of Journalist of the Philippines na pinamumunuan ni Rowena Carranza Paraan matapos ang ilang araw na paghahanap sa mga mediamen.
“The news that I have been dreading: that we have colleagues who have died from Yolanda’s wrath,†ani Paraan sa kaniyang facebook account na tinukoy ang mga pangalan ng mga biktima.
Kabilang sa mga namatay ay sina Archia Globio, reporter ng dyBR-Tacloban; Malou Realino, reporter ng dyBR –Tacloban; Allan Medina ng dyVL Aksyon Radyo Tacloban at si Ronald Vinas ng dyVL Aksyon Radyo-Tacloban.
Ang labi ni Vinas na kasama ang miyembro ng pamilya nito at mga station personnel ay hindi pa nakukuha mula sa lugar na kinamatayan ng mga ito.
Kabilang naman sa mga nawawala ay sina Sarwell Meniano ng Leyte-Samar Daily Express at corÂrespondent ng Business World sa Tacloban City; Benjamin Veridiano, stringer ng GMA 7; Babay Jaca ng dyBR-Tacloban; Lulu Palencia ng dyBR-Tacloban; Jun Estoya ng dyBR-Tacloban; at isa pang technician ng dyBR –Tacloban na hindi natukoy ang pagkakakilanlan.
Sa tala ng National DiÂsaster Risk Reduction and Management Council, umaabot na sa 2,357-katao ang namatay ng bagyong Yolanda kung saan karamihan sa mga biktima ay mula sa Tacloban City.
- Latest