May-ari ng welding shop itinumba

MANILA, Philippines - Napatay ang 50-anyos na may-ari ng welding shop matapos itong pagbabarilin ng hit squad ng mga rebeldeng New People’s Army sa bayan ng Uson, Masbate kamakalawa ng hapon. Sa ulat ni P/Senior Supt. Jacinto Sison na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si William Clores na dating miyembro ng Cafgu  Active Auxiliary at residente ng Purok 6, Barangay Buenavista. Nabatid na sumulpot ang mga rebelde na nagpanggap pang kustomer sa welding shop ng biktima bago isinagawa ang pamamaslang gamit ang cal. 45 pistol.

Show comments