TUGUEGARAO CITY, Philippines- Isang 28 anyos na GRO sa isang night club sa Santiago City na sinasaÂbing star witness sa isang drug buy-bust operation ang natagpuang patay na may tama ng bala sa ulo sa isang bakanteng lote sa kalapit bayan ng Brgy. Raniag, Ramon, Isabela kamakalawa.
Kinilala ni Supt. Juancho Alobba, Chief of Police ng Ramon ang biktima na si Mylene Dizon na sinasaÂbing ginawang saksi ng mga otoridad sa isinagawang buy-bust operation ng shabu sa pinapasukang club noong nakaraang buwan.
Ayon kay Alobba; mayroon na silang sinusundang lead sa pagkakakilanlan ng suspek sa pamamaslang ng GRO.