^

Probinsiya

Holdaper dedo sa mga pulis

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napatay ng mga pulis ang isang holdaper nang manlaban ito matapos na holdapin ang isang binata kamakalawa ng gabi sa Biñan City, Laguna.

Ang suspek ay nakilala sa palayaw na Boy Pogi na kung saan ang larawan nito ay nakalagay sa personalized key chain habang nakatakas ang dalawang kasamahan nito.

Batay sa ulat, pauwi na ang biktima na si Mark Gil Uy, 21, galing sa pinapasukang fastfood at naglalakad sa national highway, Barangay Platero nang lapitan ng tricycle na sinasakyan ng mga suspek.

Walang sabi-sabing hinablot ang dala nitong bag na may lamang cell phone at P5,000 cash kaya nakipag agawan ito sa grupo.

Tiyempong nagpapatrulya ang grupo nina PO2 Michael Panganiban, PO2 Garnet Villaruel at PO1 We­bster Ortiz na naaktuhan ang panghoholdap.

Nang pasukuin ng mga pulis ang mga suspek ay nanlaban ang mga ito, at dito ay napatay ang suspek habang nakatakas ang dalawang kasama.

vuukle comment

BARANGAY PLATERO

BATAY

BOY POGI

GARNET VILLARUEL

MARK GIL UY

MICHAEL PANGANIBAN

NANG

NAPATAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with