Guro itinumba sa mosque

MANILA, Philippines - Isang gurong Muslim ang nasawi matapos na pagbabarilin sa loob ng isang mosque sa Brgy.Mahayag, Dimataling, Zamboanga del Sur kamakalawa.

Ang biktima ay nakilalang si Ustadz Esmael Malaco, nasa hustong gulang na nagtamo ng dalawang tama ng bala sa katawan at idineklarang dead-on-arrival sa Chavez Medical Clinic.

 Sa ulat ni Police Regional Office (PRO) 9 Spokesman Chief Inspector Ariel Huesca, naganap ang insidente sa loob ng isang mosque sa nasabing barangay nang  sumulpot sa lugar ang suspek na kinilalang si Esmael Mandapal at  agad pinagbabaril ang biktima.

Narekober ng mga otoridad sa pinangyarihan ng krimen ang mga basyo ng bala ng cal .45 pistol.

Show comments