Biyudo dinedo dahil sa selos

BATAAN, Philippines - – Pinaniniwalaang selos ang isa sa motibo kaya napatay ang 63-anyos na lolo ng kanyang kainuman sa Sityo Ibabao, Barangay Binaritan, bayan ng  Morong, Bataan kamakalawa ng hatinggabi. Kinilala ni P/Insp. Janice Piga ang biktima na si Aurelio Jimenez habang pinaghahanap naman ang suspek na si Alex del Rosario. Nag-inuman ang biktima at suspek kasama ang tatlong babae nang magpaalam na uuwi na ang matanda kung saan inihatid ng suspek. Natagpuang patay ang biktima na huling namataang kasama ng suspek na papauwi. Nawawala rin ang pitaka at ilang personal na gamit ng biktima.

Show comments